PAALAM at salamat, PNoy. Salamat sa pagkakaibigan. Salamat sa pagmamahal sa Dinagat Islands.

Ang dami kong natutunan sa ‘yo na baon ko pa rin hanggang ngayon – mula sa mga laban natin sa Kongreso para sa mahahalagang batas kagaya ng Reproductive Health Law hanggang sa mga laban para sa tunay na kaunlaran sa mga komunidad.

Hinding hindi mo kami kinalimutan sa Dinagat Islands. Sa tulong mo at ng iyong Administrasyon, napag-ugnay natin sa wakas ang bawat munisipyo ng aming isla at nakapaghatid ng kaunlaran sa pamamagitan ng iba’t ibang programa. Nalagay kami sa mapa at sa kamalayan ng buong bansa noong ipinakita natin ang mga pagbabagong nagawa sa Dinagat Islands sa iyong State of the Nation Address. Sabi ko nga roon, walang maliit, walang malayo, lahat mahalaga.

Salamat, Pangulong Benigno S. Aquino III, sa pagpapakita na hindi kami maliit, hindi kami malayo, at lahat kami ay mahalaga. Nakikiramay ako iyong pamilya, mga mahal sa buhay, mga kasama sa laban, at sa mamamayang Pilipino.

 

The post STATEMENT| Dinagat Islands Governor Kaka Bag-ao on the passing of President Benigno S. Aquino III appeared first on Mindanao Times.


Source: Mindanao Times ( https://mindanaotimes.com.ph/2021/06/26/statement-dinagat-islands-governor-kaka-bag-ao-on-the-passing-of-president-benigno-s-aquino-iii/#utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=statement-dinagat-islands-governor-kaka-bag-ao-on-the-passing-of-president-benigno-s-aquino-iii)